Si Anna Quindlen (ipinanganak noong Hulyo 8, 1952) ay isang Amerikanang mamamahayag at opinion columnist na ang New York Times column na Public and Private, ay nanalo ng Pulitzer Prize for Commentary noong 1992.

Si Anna Quindlen noong 2008

Mga Kawikaan

baguhin
  • Kung nabubuntis ang mga lalaki, magkakaroon ng ligtas, maaasahang paraan ng birth control. Magiging mura rin ito.
    • The New York Times. Living Out Loud, p. 31 (1988)
  • Ilan sa mga matalik kong kaibigan ay mga lalaki. Sa palagay ko, ang mga babae ay mas magaling kaysa sa mga lalaki. Ayan, nasabi ko na. 'Yan ang aking pinakatatagong sikreto [...]
    Noong isang araw, nagtanong ang isang matalino kong kaibigan "Napapansin mo ba na ang tinuturing na isang mahusay na lalaki ay magiging isang sapat na babae lamang?" Isang kandilang Romano ang sumabog sa aking isipan; siya ay ganap na tama. Ang inaasahan ko sa mga kaibigan kong lalaki ay magalang at malinis. Ang inaasahan ko mula sa aking mga kaibigang babae ay walang pasubali na pagmamahal, ang kakayahang tapusin ang aking mga pangungusap para sa akin kapag ako ay humihikbi, at ang kakayahang sabihin sa akin kung bakit ang thermometer ng karne ay hindi dapat nakadikit sa buto.
    • The New York Times. Living Out Loud, pp. 26-27 (1988)
  • Ang mga taong gustong sumaludo sa malaya at independiyenteng bahagi ng kanilang ebolusyonaryong karakter ay kumukuha ng mga pusa. Ang mga taong gustong magbigay pugay sa kanilang mapagsilbi at naglalaway na pinanggalingan ay nagmamay-ari ng mga aso.
    • The New York Times. Thinking Out Loud, p. 122 (1993)