Si Greta Thunberg (ipinanganak noong 3 Enero 2003) ay isang aktibista sa klima ng Suweko. Noong Agosto 2018, sinimulan niya ang School strike para sa kilusan ng klima at noong unang bahagi ng Disyembre ng parehong taon ay nagsalita siya sa kumperensya ng United Nations Climate Change para tuligsain ang mga pinuno ng mundo dahil sa kanilang hindi pagkilos.

Inside COP they are just politicians and people in power pretending to take our future seriously... We say no more blah blah blah. No more exploitation of people and the nature and the planets … no more...

Mga Kawikaan

baguhin
  • Inaanyayahan nila ang mga kabataang pinipili ng cherry sa mga pagpupulong tulad nito upang magpanggap na nakikinig sila sa atin. Ngunit malinaw na hindi sila nakikinig sa amin. Tumataas pa rin ang ating mga emisyon. Ang agham ay hindi nagsisinungaling. Hindi na natin maaaring hayaan ang mga taong nasa kapangyarihan na magdesisyon kung ano ang posible sa pulitika. Hindi na natin maaaring hayaan ang mga taong nasa poder na magdesisyon kung ano ang pag-asa. Ang pag-asa ay hindi pasibo. Ang pag-asa ay hindi blah, blah, blah. Ang pag-asa ay nagsasabi ng totoo. Ang pag-asa ay kumikilos. At laging nagmumula ang pag-asa sa mga tao.
  • "Kapag sapat na mga tao ang nagsama-sama, darating ang pagbabago at halos lahat ay makakamit natin. Kaya sa halip na maghanap ng pag-asa-simulan itong likhain".
  • Nangangailangan ng pangmatagalang pag-iisip upang maisawan ang pagkasira ng klima. Dapat nating ilatag ang mga salalayan habang hindi natin alam ang mga pamaaraan sa pagbuo ng limitasyon
  • Hindi na dapat nating sukatin pa ang ating kayamanan at ating tagumpay sa talaguhitang nagpapakita ng paglago ng ekonomiya, bagkus dapat nating tingnan ito sa emisyon ng greenhouse gases.
  • Mayroon tayong sanlaksang daan para kumilos. Halimbawa, pagtatanim ng puno, pagpulot ng mga kalat, pagsali sa iba' t ibang organisasyon o kilusang nagsusulong para sa pagbabago at lalo' t higit may layuning magbigay impluwensiya sa mga matatanda at magbigay ng presyon sa mga taong may kapangyarihan.
  • Hindi dapat nating maliitin ang ating mga sarili, sapagkat kapag halos lahat ng indibidwal ay nagsama-sama para sa pagbabago at pagsulong, kayang-kaya nating gawin ang kahit na ano.
  • Kinabukasan natin ang nasa linya ng delubyo, kaya naman nararapat lamang na mayroon tayong pakialam dito.
  • Ipinangako ko sa aking sarili na gagawin ko ang lahat ng aking makakaya hangga't kaya ko.