Noli Me Tangere
Ang Noli Me Tángere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa. Ang kasunod nito ay ang El Filibusterismo. Hango sa Latin ang pamagat nito na may kahulugang "huwag mo akong salingin (o hawakan)". Sinipi ito mula sa Juan 20:17 kung saan sinabi ni Hesus kay Maria Magdalena na "Huwag mo akong salingin sapagkat hindi pa ako nakaaakyat sa aking ama."