Sino Ang nagbigay ng PANGALANG bibliya
Ganito ang sabi ni apostol Pablo
Si Apostol pablo at ang kanyang mga kasama ang unang nag ipon ng mga kasulatan ng Dios, at tinawag niyang ta Biblia.
2 Timoteo 4:1, 6-7, 9-13
1 Ipinagbibilin ko sa iyo sa paningin ng Dios, at ni Cristo Jesus, na siyang huhukom sa mga buhay at sa mga patay, sa pamamagitan ng kaniyang pagpapakita at sa kaniyang kaharian:
6 Sapagka't ako'y iniaalay na, at ang panahon ng aking pagpanaw ay dumating na.
7 Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya:
9 Magsikap kang pumarini na madali sa akin:
10 Sapagka't ako'y pinabayaan ni Demas, palibhasa'y iniibig niya ang sanglibutang ito, at napasa Tesalonica; si Crescente ay napasa Galacia, at si Tito ay sa Dalmacia.
11 Si Lucas lamang ang kasama ko. Kunin mo si Marcos, at ipagsama mo; sapagka't siya'y napapakinabangan ko sa ministerio.
12 Datapuwa't si Tiquico ay sinugo ko sa Efeso.
13 Ang balabal na aking iniwan sa Troas kay Carpo ay iyong dalhin pagparini mo, at ang mga aklat, lalong lalo na ang mga pergamino.
(Ang mga salitang ginamit ni apostol Pablo, sa phrase na "mga aklat", ay τὰ βιβλία (ta biblia). Ibig sabihin, ang nag- compile ng Biblia ay si apostol Pablo at ang kaniyang mga kasama.
Ang huling sulat ni apostol Pablo ay ang ikalawang Timoteo (2 Timoteo), kaya, ang 2 Timoteo na lamang ang wala sa Biblia na iniwan ni apostol Pablo sa Troas.)