Anna Mae Yu Lamentillo
Lingkod-bayan, akademiko, abogado, diplomatiko, at kolumnista ng opinyon
Si Anna Mae Yu Lamentillo (ipinanganak noong 7 Pebrero 1991) ay isang opisyal ng gobyerno, abugado, kolumnista, at may-akda ng libro.
- See also her book:
Mga Kawikaan
baguhin2023
baguhinBakit kailangan nating buhayin ang pagsulat sa katutubong wika (Nobyembre 24, 2023)
baguhin- Ang kultura ay isang likas na bahagi ng pagkakakilanlan ng isang indibiduwal; at isang mahalagang bahagi ng kultura ay ang wika, na mahalaga para sa komunikasyon, sa pagbuo ng mga relasyon, at sa paglikha ng isang komunidad.Sa buong mundo, may humigit-kumulang 7,000 na mga wika, kalahati nito ay nanganganib na, ayon sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO).
- Kapag ang isang wika ay naglaho, ang isang buong sistema ng tradisyonal na kaalaman at paniniwala na kaakibat ng wikang iyon ay titigil din. Ano na lamang ang matitira sa buong pamana na nabuhay sa wika at kulturang iyon, sa kanilang kasaysayan at paniniwala, sa kanilang kontribusyon sa lipunan at sibilisasyon?
- Sabi nga nila, hindi tayo dapat matakot sa hinaharap kahit wala itong kasiguraduhan. Sa palagay ko, dapat din tayong maging walang takot na lumingon sa ating pinanggalingan at tingnan kung paano tayo makapag-aambag sa pagpapanatili, pagpapayaman, at pagpapalaganap ng wika, kultura, at tradisyon na humubog sa atin bilang mga mamamayang handa sa hinaharap.
2021
baguhinPara kanino ang Build, Build, Build (August 17, 2021)
baguhin- Marami ang nagtatanong — para kanino ba ang Build Build Build?Ang Build Build Build ay para sa mga nanay at tatay na gustong umuwi ng maaga, para sa mga manggagawang gusto ng oras ng pahinga, para sa mga estudyanteng gusto ng mas mahabang oras para makapag-aral, para sa mga nasalanta ng bagyo na nagnanais ng seguridad, at para sa mga Pilipinong naniniwalang kaya nating iangat ang estado ng buhay ng ating mga kababayan.
- Higit 6M Pilipino ang nagkaisa para, sa wakas, magamit ng kanilang mga anak ang imprastrakturang ginagawa lamang nila dati sa ibang bansa. Marami ang umuwi at piniling manilbihan sa Pilipinas. Ang sabi nila — hindi raw pera ang usapan, kung hindi kinabukasan ng kanilang mga pamilya.
Night Owl: A Nationbuilder's Manual (December 10, 2021)
baguhin- Marami nang lungsod, kalsada, tren, riles, at paliparan ang naitayo ng mga OFWs sa iba’t ibang parte ng mundo. Ang pandemya ay nagbigay sa atin ng pinakamahuhusay na mga kaakibat sa ating layunin. Ang Build, Build, Build ay nagbigay ng pagkakataon sa mga OFW na maglingkod sa kanilang bansa. Bagama't hindi namin kayang pantayan ang mga suweldo na kanilang natatanggap sa ibang bansa, marami ang nanatili upang matiyak na magagamit ng mga Pilipino ang imprastraktura na sa mga larawan lamang nila nakikita noon.
- pp. 1-2, Sa 6.5 Milyong Kasapi ng Build, Build, Build Team
- Ano ang Build, Build, Build? Ito ay isang rebolusyon ng mga Pilipinong nagnanais na mag-iwan ng mas magandang Pilipinas para sa mga susunod na henerasyon.
- p. 2, Sa 6.5 Milyong Kasapi ng Build, Build, Build Team
- Sa isang punto sa kasaysayan ng Pilipinas ay ito ang pangalawang pinakamayamang bansa sa Asya. Mas nauna lamang sa atin ng kaunti ang Japan at mas maunlad tayo sa China. Sa kasagsagan nito, ang ating rail transportation ay umabot sa 1,100 na kilometro. Noong 2016, mayroon na lamang tayong 77 na kilometrong rail transportation.
- p.11, Bakit ko sinusuportahan ang Build, Build, Build
- Tama ang aming mga kritiko—imposible para sa amin na ipatupad ang Build, Build, Build ng kami-kami lang. Alam namin ito simula pa lamang. Kung hindi sa tulong ng 6.5 milyong mga Pilipinong kusang-loob na nakibahagi sa ating nagkakaisang adhikain na lumikha ng mas komportableng buhay para sa lahat, ang mga malalaking proyektong ito ay mananatiling pangarap.
- p.12,Bakit ko sinusuportahan ang Build, Build, Build
- Madalas itanong ng mga tao—ano ang Build, Build, Build? Ito ay isang pambuwelo, isang pagkakataong magkatotoo ang pangarap na pag-ugnayin ang Luzon, Visayas, at Mindanao. Nangangahulugan ito ng pag-uugnay sa 81 lalawigan, 146 na lungsod, at 1,489 na munisipalidad ng bansa.
- p. 80, 10 Road Trip sa Pilipinas
- Noong ako ay dumalo sa Leaders in Development program ng Harvard Kennedy School, pinasulat kami ng aming propesor ng isang bagay na nais naming makamit sa susunod na sampung taon. Nag-isip ako saglit at ang aking isinulat ay – “Ang makamit ng Pilipinas ang buo nitong potensiyal.
- p.106, 21 bagay na dapat mong malaman tungkol sa EDSA Decongestion Masterplan
- Noong 2016, sinimulan ng itayo ang Luzon Spine Expressway Network — isang 1,101-kilometrong expressway network na mag- uugnay sa hilaga at katimugang bahagi ng Luzon.
- p. 128, Build Build Build: Ang Pagbuo sa 1,101 kilometrong Luzon Spine Expressway Network
- Ang isa pang maling kuro-kuro ay ang karamihan sa mga proyekto ay nasa Metro Manila lamang o pinatatakbo sa ilalim ng public private partnership. Malayo ito sa katotohanan. Sa katunayan, wala pang limang porsyento ng mga proyekto ng Build Build Build ang naniningil ng toll o pinapatakbo sa ilalim ng isang concession agreement.
- p.134,10 Proyektong Build, Build, Build sa Rehiyong Ilocos
- Naalala ko pa, noong unang beses naming sinabi sa publiko ang planong ikonekta ang Maynila sa Baguio sa loob ng 3.5 oras, walang naniwala sa amin. Sinabi nilang ito ay imposible, ngunit ang Build, Build, Build team ay nagpatuloy upang maisakatuparan ang isang hinaharap na nararapat sa susunod na henerasyon.
- p.142,10 Proyektong Build, Build, Build sa Cordillera
- Sa lahat ng lugar na napuntahan ko, ang Palawan ang isa sa mga hindi ko malilimutan. Sa unang pagpunta ko roon, lumubog ang bangkang sinasakyan ko at halos isang oras akong nakakapit sa poste ng kawayan sa gitna ng dagat para makaligtas. Sampung taon na ang lumipas ngunit hindi ko pa rin malimutan ang gabing iyon noong 2012.
- p.174,10 Proyektong Build, Build, Build sa MIMAROPA
- May mga kumakalat na tsismis na hindi na matutuloy ang 32.47-kilometrong Panay-Guimaras-Negros Project. Totoo ba ito? Hindi. Nagkaroon ba ng mga hamon? Oo. Ang inter-island bridge na ito ay 15 beses ang haba kaysa San Juanico Bridge.
- p.206,10 Proyektong Build, Build, Build sa Kanlurang Visayas
- Sa unang pagkakataong nakita ko ang Tacloban pagkatapos ng pananalasa ng Yolanda, hindi ko napigilan ang maiyak. Ang amoy ng mga bangkay ang pumuno sa lansangan. Sa ilang barangay, wala ni isang bahay ang nakaligtas sa pagkawasak. Nakilala ko ang isang 4th year high school na estudyante. Tatlong buwan na lang ay magtatapos na siya. Bago ang paghagupit ng Yolanda, nag-aaral siya para sa kaniyang mga pagsusulit kasama ang kaniyang kasintahan. Pangarap nilang maglakbay nang magkasama pagkatapos ng kolehiyo. Ito ang magiging kanilang unang pagkakataon. Kailangan lang nilang maghintay ng ilang buwan. Ang hindi niya inaasahan, sa tindi ng paghagupit ng bagyo ay kinailangan niyang pumili sa pagitan ng pagliligtas sa kaniyang kasintahan at sa kaniyang isang taong gulang na pamangkin. Sa loob ng maraming buwan, pinagmamasdan niya ang mismong lugar kung saan natagpuan niya ang kaniyang kasintahang may isang pirasong yero na nakatusok sa tiyan nito.
- p.226, 10 Proyektong Build, Build, Build sa Silangang Visayas
- Walang punto ang paghihiwalay o palawakin ang tila linyang naghahati sa mga Kristiyano at Muslim. Kung paanong ang mga lalaki ay kailangang manindigan para sa pantay na karapatan ng kababaihan, ang mga Katoliko ay dapat ding manindigan kasama ng ating mga kapatid na Muslim para sa tunay at napapanatiling kapayapaan. Dapat tayo ang unang sumalungat sa tuwing may diskriminasyon laban sa mga Muslim.
- p.232, Ang Pagdaig sa Nagdudulot ng Pagkakahati
- Ang Build, Build, Build ay simula sa pagtupad ng ating pangarap na pag-ugnayin ang Luzon, Visayas, at Mindanao. Nangangahulugan ito ng pag-uugnay ng 81 lalawigan, 146 na lungsod, at 1,489 na munisipalidad. Nangangahulugan ito ng pagsasama-sama ng mga mamamayan mula sa iba’t ibang katayuan, dialekto, etnisidad, at relihiyon.
- p.238,10 Proyektong Build, Build, Build sa Tangway ng Zamboanga