Night Owl: A Nationbuilder's Manual

2021 memoir a sinurat ni Anna Mae Yu Lamentillo

Ang Night Owl: A Nationbuilder's Manual ay isang talang-gunita na isinulat ni dating Build Build Build Committee Chairperson Anna Mae Yu Lamentillo.

Quotes

baguhin

Night Owl: A Nationbuilder's Manual (December 10, 2021)

baguhin
  • Marami nang lungsod, kalsada, tren, riles, at paliparan ang naitayo ng mga OFWs sa iba’t ibang parte ng mundo. Ang pandemya ay nagbigay sa atin ng pinakamahuhusay na mga kaakibat sa ating layunin. Ang Build, Build, Build ay nagbigay ng pagkakataon sa mga OFW na maglingkod sa kanilang bansa. Bagama't hindi namin kayang pantayan ang mga suweldo na kanilang natatanggap sa ibang bansa, marami ang nanatili upang matiyak na magagamit ng mga Pilipino ang imprastraktura na sa mga larawan lamang nila nakikita noon.(p. 1-2)
  • Ano ang Build, Build, Build? Ito ay isang rebolusyon ng mga Pilipinong nagnanais na mag-iwan ng mas magandang Pilipinas para sa mga susunod na henerasyon.(p.2)
  • Sa isang punto sa kasaysayan ng Pilipinas ay ito ang pangalawang pinakamayamang bansa sa Asya. Mas nauna lamang sa atin ng kaunti ang Japan at mas maunlad tayo sa China. Sa kasagsagan nito, ang ating rail transportation ay umabot sa 1,100 na kilometro. Noong 2016, mayroon na lamang tayong 77 na kilometrong rail transportation.(p.11)
  • Tama ang aming mga kritiko—imposible para sa amin na ipatupad ang Build, Build, Build ng kami-kami lang. Alam namin ito simula pa lamang. Kung hindi sa tulong ng 6.5 milyong mga Pilipinong kusang-loob na nakibahagi sa ating nagkakaisang adhikain na lumikha ng mas komportableng buhay para sa lahat, ang mga malalaking proyektong ito ay mananatiling pangarap.(p.12)
  • Madalas itanong ng mga tao—ano ang Build, Build, Build? Ito ay isang pambuwelo, isang pagkakataong magkatotoo ang pangarap na pag-ugnayin ang Luzon, Visayas, at Mindanao. Nangangahulugan ito ng pag-uugnay sa 81 lalawigan, 146 na lungsod, at 1,489 na munisipalidad ng bansa.(p.80)
  • Noong ako ay dumalo sa Leaders in Development program ng Harvard Kennedy School, pinasulat kami ng aming propesor ng isang bagay na nais naming makamit sa susunod na sampung taon. Nag-isip ako saglit at ang aking isinulat ay – “Ang makamit ng Pilipinas ang buo nitong potensiyal.(p.106)
  • Noong 2016, sinimulan ng itayo ang Luzon Spine Expressway Network — isang 1,101-kilometrong expressway network na mag- uugnay sa hilaga at katimugang bahagi ng Luzon.(p.128)
  • Ang isa pang maling kuro-kuro ay ang karamihan sa mga proyekto ay nasa Metro Manila lamang o pinatatakbo sa ilalim ng public private partnership. Malayo ito sa katotohanan. Sa katunayan, wala pang limang porsyento ng mga proyekto ng Build Build Build ang naniningil ng toll o pinapatakbo sa ilalim ng isang concession agreement. (p.134)
  • Naalala ko pa, noong unang beses naming sinabi sa publiko ang planong ikonekta ang Maynila sa Baguio sa loob ng 3.5 oras, walang naniwala sa amin. Sinabi nilang ito ay imposible, ngunit ang Build, Build, Build team ay nagpatuloy upang maisakatuparan ang isang hinaharap na nararapat sa susunod na henerasyon. (p.142)
  • Sa lahat ng lugar na napuntahan ko, ang Palawan ang isa sa mga hindi ko malilimutan. Sa unang pagpunta ko roon, lumubog ang bangkang sinasakyan ko at halos isang oras akong nakakapit sa poste ng kawayan sa gitna ng dagat para makaligtas. Sampung taon na ang lumipas ngunit hindi ko pa rin malimutan ang gabing iyon noong 2012.(p.174)
  • May mga kumakalat na tsismis na hindi na matutuloy ang 32.47-kilometrong Panay-Guimaras-Negros Project. Totoo ba ito? Hindi. Nagkaroon ba ng mga hamon? Oo. Ang inter-island bridge na ito ay 15 beses ang haba kaysa San Juanico Bridge.(p.206)
  • Sa unang pagkakataong nakita ko ang Tacloban pagkatapos ng pananalasa ng Yolanda, hindi ko napigilan ang maiyak. Ang amoy ng mga bangkay ang pumuno sa lansangan. Sa ilang barangay, wala ni isang bahay ang nakaligtas sa pagkawasak. Nakilala ko ang isang 4th year high school na estudyante. Tatlong buwan na lang ay magtatapos na siya. Bago ang paghagupit ng Yolanda, nag-aaral siya para sa kaniyang mga pagsusulit kasama ang kaniyang kasintahan. Pangarap nilang maglakbay nang magkasama pagkatapos ng kolehiyo. Ito ang magiging kanilang unang pagkakataon. Kailangan lang nilang maghintay ng ilang buwan. Ang hindi niya inaasahan, sa tindi ng paghagupit ng bagyo ay kinailangan niyang pumili sa pagitan ng pagliligtas sa kaniyang kasintahan at sa kaniyang isang taong gulang na pamangkin. Sa loob ng maraming buwan, pinagmamasdan niya ang mismong lugar kung saan natagpuan niya ang kaniyang kasintahang may isang pirasong yero na nakatusok sa tiyan nito. (p.226)
  • Walang punto ang paghihiwalay o palawakin ang tila linyang naghahati sa mga Kristiyano at Muslim. Kung paanong ang mga lalaki ay kailangang manindigan para sa pantay na karapatan ng kababaihan, ang mga Katoliko ay dapat ding manindigan kasama ng ating mga kapatid na Muslim para sa tunay at napapanatiling kapayapaan. Dapat tayo ang unang sumalungat sa tuwing may diskriminasyon laban sa mga Muslim.(p.232)
  • Ang Build, Build, Build ay simula sa pagtupad ng ating pangarap na pag-ugnayin ang Luzon, Visayas, at Mindanao. Nangangahulugan ito ng pag-uugnay ng 81 lalawigan, 146 na lungsod, at 1,489 na munisipalidad. Nangangahulugan ito ng pagsasama-sama ng mga mamamayan mula sa iba’t ibang katayuan, dialekto, etnisidad, at relihiyon. (p.238)